*Going Up...& DOWN*
..UPDATES..
July 4, '07...
i entered my classroom joyfully, as in walang kaproble-problema. all smiles ako, swear, hanggang tenga! and that goes on hanggang hapon. Wednesday, shortened (yes!) and we are dismissed by 3pm. RCY, may assembly, and in-charge ang SBO, ako naman lakad ng lakad wala namang pinupuntahan. i was waiting for my girls mag fu-foodtrip kase kami sa plaza eh. pagbalik ko sa classroom, Janine asked me kung may practice ng 'talkshow' for AP. sabi ko, "i don't know." tapos umalis na siya. hinanap ata si Frank. Nang medyo kumpleto na kami, sabi ni Frank magpraktis, kaso walang gumagalaw kaya sabi niya, "memorize your lines nalang." and i went to a quiet place para makapagconcentrate. then, Frank interrupted me. he asked me if okay lang bang magpalit kami ng role ni Janine: i will be the 'history prof' and she will be the 'anchor'. gulat ako. di ko alam isasagot. "KAMING DALAWA nalang ni JANINE yung anchor.", dagdag pa niya. e bakit nung ako yung anchor hindi niya ako sinamahan? awts diba? at yun na nga, um-oo ako. sabi ko okay lang. after nun, sobrang naiiyak na ako, ngarag na ngarag at hirap na hirap. i don't know. there's something bothering me na hindi ko alam kung ano. i don't want to think na yun ngang pagpapalit ng role ang dahilan.
then, dahil nga ngarag ako, nang pababa ako sa hagdan, bigla akong nadulas-nahulog, and i think nablack-out. shocked ang mga friends ko. si Jerome ata yung tumulong saking tumayo then niyugyog ako ni Kate saying, "Celine, bakit? Umayos ka nga!". nagising ako at walang ibang nagawa kundi umiyak at yumakap sa kanya. pinapatahan niya ako, binubulungan ng 'words of wisdom'. i'd answer back naman, "Ang lakas-lakas nila.". ang kwento sakin ni Kate, bilis daw tumakbo ni Potch papunta samin. he tried to calm me down. after sometime, nakarecover din ako. namamaga nga mga mata ko.
July 6, '07...
ngayon ang 'talkshow' presentation namin. nerbiyos naman ako, kahit medyo master ko lines ko. anyway, naging okay naman kaso masyado mababa yung score kase super OA. na-out of place kaming mga 'professionals' dahil sa mga pinaggagagawa nung 2 anchors, kaOAyan. fast forward, i had a date with my girls and Potch. lakad kami ng lakad para maghanap ng fishball vendor pero napadpad kami sa Dunkin' Donuts. doon nga kami kumain, tawanan, kwentuhan, bukingan. i had a great time, really.
July 13, '07...
friday the 13th. at pumasok akong naka-black. sa 4 - Love, sabi ni Mam Z, kalahati sa klase ay nakaitim. wala lang, feel ko lang mag-black. asar lang kase nakisabay naman mag-black ang BONGA, and to think na ginaya pa nung isang babae yung tsinelas ko. mannulad talaga. nag-tsinelas lang ako nung friday, nag-tsinelas naman siya ngayon, SHIT. copycat.
...asar talaga ang life. bibigay sa iyo lahat, pasasayahin ka tapos babawiin rin at gaganti. lungkot ang kapalit...
Labels: breakdown, daily rants, sChOOL

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home