*Weak Week*
UPDATES..
Monday. *laughs* kahit na may 'sore eye' (eye: right eye ko lang kase. tapos na yung left nung saturday.) ako pumasok pa rin ako sa school. exam week namin ngayon. at sabi ni Mam Rimas may bagong lesson siyang idi-discuss na kasali sa test namin. hmp, mahirap na, yokong ma-fail sa Chem ano! tsaka dance performance namin for RVE, last quiz sa Filipino and graded recitation sa Math: Geometry. sayang kung hindi ako makakapasok. 'sore eye' lang naman eh. wala nakong mahahawaan kase i'm sure ako na ang last na nagkasore eyes sa HS Juniors. oo nga at induction pa ng officers. first subject namin sa morning is Chem, but then, wala si Mam Rimas. gosh! akala ko ako lang ang may sore eyes, pati pala siya, kaya di siya nakapasok sa school! first hour ng Chem, nasa library ako. dun daw ako mag-stay sabi ni Mam Bayani. 2nd hour, pinayagan kaming magpraktis for our performance this afternoon (RVE). then, recess and diretso sa Filipino quiz. i got 26 over 40. tsk! tsk! tsk! i'm down, ang baba! tapos Music, teacher din namin sa Music si Mam Dumaoang na teacher namin sa RVE. at pupunta si Kris sa Dagupan this afternoon kaya nag-perform na ang group ko. 2 beses kami nagsayaw kase we messed it up. sabi naman ni Kate, mas gumanda sa second try. (what do you expect? second try nga eh.)
lunch. ihahatid namin si Kris papunta kay Mam Sanchez. pababa kami sa stairs, we were foolin' 'round and talking loud, then biglang nadulas si ---- at napaupo. sosyal, na-carry pa ng lola mo! tumawa pa ng tumawa. i like that girl! at may poise pa pagkakaupo niya. wala lang. saya silang kasama. sa hapon, first subject namin ang RVE. performance nga eh, so we're in chaos nanaman. ang gulo-gulo namin at ng classroom namin! remember Gokusen's section 3-D? it's like that. then by 2:30, dismissed na kami for the induction. ang saya-saya ng Bonga kase magkahiwalay kaming Bangsters.
Tuesday. requirement for PE: mag-officiate ng table tennis 'tournament'. hmp, wala lang. yung umpire lang naman ang ga-graduhan eh kaya di ako naglaro. tsaka di ako marunong. bobo ako sa sports. isa akong lampa. asar lang ako sa mga nagmamagaling. Chem, meron na si Mam Rimas. she discussed how to get the Molar Mass & Percent Composition of Elements. at nagets ko naman agad! recess, bigla-bigla nalang nagbreakdown si Potch. nilapitan ko siya, asked questions pero palaging wala ang sagot niya. okay. may patingin-tingin pa daw 'sila', tanung-tanong.
TLE. may misunderstanding kasi ang Bangsters. MISUNDERSTANDING hindi away! nag-usap kami sa room duon. we cleared things and since plywood lang ang barrier, madaling tumagos ang pinagsasasabi namin at naririnig ng mga tao sa labas. may sinabi si Kate na may nagsabi daw sakanya nito: "Kung umarte si Celine parang aagawin o mawawalan siya ng boyfriend!!!". ah okay. hindi ako nagsasalita pero nag-comment si Jazel. narinig o sinadyang dinggin ng mga tao sa labas ang sinabi niya. sa labas, nang marinig nila ang sinabi ni Jazel, nagkwento si Micah at all ears ang Bonga.
Wednesday. first day ng exams. half day. nadalian ako sa Chem. pati sa RVE and Filipino. i think mataas makukuha ko dito. *laughs* kapal! naka-chat ko rin si Potch nung gabi. we talked.
Thursday. wala kami pasok. bumabagyo. ang ginaw. net surfing day ko.
Labels: Bangsters, boredom, breakdown, daily rants, PotchS

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home